top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Ginawang sex slave ng kuya, na-inlab kaya walang palag kahit bawal

Writer: BULGAR
BULGAR
Apr 19, 2021
2 min read

ni Sister Isabel del Mundo - @Mga kuwento ng buhay at pag-ibig | April 19, 2021



Dear Sister Isabel,

Hindi ko na alam ang gagawin ko sa aking problema. Lingid sa kaalaman ng aming mga magulang, may ugnayan kami ng kapatid kong panganay. Ginagalaw niya ako at ginagamit sa gabi kapag tulog na ang lahat. Noong una, tinatakot niya ako para hindi magsumbong sa aming mga magulang, pero nitong huli ay parang nasanay na rin ako at hinahanap-hanap ko ang pagniniig namin. Ingat na ingat kaming malaman ng aming mga magulang na may nangyayari sa aming dalawa at umiinom ako ng gamot para hindi mabuntis. Ano ang dapat kong gawin? Parang napamahal na sa akin ang kuya ko. Sana ay mapayuhan n’yo ako para gumaan ang kalooban ko at hindi palaging balisa at kakaba-kaba. Hihintayin ko ang inyong payo.

Gumagalang,

Aida ng Palawan

Sa iyo, Aida,

Sumaiyo nawa ang kapayapaan.


Napakabigat ng napasukan mong sitwasyon at isang napakalaking kasalanan sa mata ng lipunan, lalo na sa mga mata ng Diyos.


Itigil mo na ang kahibangan mo. Gumising ka at huwag maging bulag sa nangyayari sa buhay mo. Ngayon din ay umiwas ka na sa kuya mo at ipaliwanag mo ang hindi magandang kahahantungan ng relasyon n’yo. Ipaunawa mo na kayo ay magkapatid at hindi mag-asawa. Idilat n’yo ang inyong mga mata sa katotohanan. Gayundin, makabubuting lumayo o magtrabaho ka sa ibayong-dagat o malayong lugar kung saan hindi alam ng kuya mo.


Kumbaga, tuluyan ka nang umiwas sa kanya dahil maling-mali ang ginagawa n’yo. Isa pa, matinding parusa ang kapalit niyan na habambuhay n’yong pagdurusahan. Ang magiging anak n’yo ay siguradong hindi magiging normal sa dahilang iisang dugo ang nananalantay sa inyo bilang magkapatid na iisang magulang ang pinagmulan.


Samantala, ang sabi mo ay umiinom ka ng gamot para hindi mabuntis. Naku, lalong masama ‘yan sa iyong kalusugan dahil may side effect ito na posibleng pagdusahan mo habambuhay.


Alam na alam n’yo na mali ang ginagawa n’yo. Ikaw na ang umiwas at lumayo ka. Putulin mo na ang relasyon n’yo ng kuya mo at matakot ka sa parusang kapalit nito. Sa totoo lang, matindi magparusa ang tadhana sa mga maling gawa, kaya gumising ka na. Huwag mo nang hayaang gamitin ka ng kuya mo. Umiwas ka na upang huwag na muling magkasala.

Matapat na sumasaiyo,

Sister Isabel del Mundo

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page