Gimik, patok! NAPKIN NG BINI, PINAKYAW NG FANS PARA SA PHOTOCARD
- BULGAR

- Sep 9, 2024
- 2 min read
ni Lucille Galon @Special Article | September 9, 2024

Hinihikayat ang mga tagahanga ng BINI, na tinatawag na BLOOMs, na mag-donate ng mga napkins para sa kababaihan sa mga evacuation center o komunidad na naapektuhan ng Bagyong Enteng dahil sa pag-aalala sa pag-iimbak matapos ang promo ng isang brand.
Isang netizen ang nag-post sa X (dating Twitter) ng larawan ng isang tarpaulin na nagpapakita ng promo ng napkin, kung saan makakakuha ng libreng BINI photocard ang mga bumibili.
Well, siyempre ay nabuhay at naging sikat ang promo sa mga BLOOMs, ang pangalan ng fandom ng “Nation’s Girl Group” na BINI. Umamin ang ilan na nag-hoard o bumili ng maraming feminine products para makakuha ng photocard.
Sey ng mga BLOOMs:
“Ready na ko pumakyaw ng BINI Modess.”
“Buti na lang may kapatid akong babae, makakabili ng BINI Modess.”
“‘Di ako hiyang sa Modess pero pipilitin ko na bumili dahil sa photobini. Hahaha!” biro ng isa pang fan.
“Kung totoo man ‘to, kahit hindi ‘tong brand ang gamit ko, bibili ako talaga.”
Pinaalalahanan ng ilan ang mga babaeng BLOOMs na maaari nilang i-donate ang kanilang sobrang pagbili sa mga evacuation centers na nag-aasikaso sa mga biktima ng Bagyong “Enteng.”
“Kung mag-iimbak ka, sana ‘wag. Kumuha ka ng mga photocards at i-donate ang mga napkins sa The Napkin Project ni Ar. Jasline Reyes @HeyItsJasReyes, [na] namumuno sa mga donasyon ng sanitary napkin products sa mga evacuation center tuwing panahon ng bagyo at sakuna, lalo na ngayon. #EntengPH,” pahayag ng isang concerned netizen.
‘Yan mga Ka-BULGAR na BLOOMs, kung hindi mapipigilan na mag-hoard ng napkins para sa photocard ng BINI ay i-donate na lang sa mga nangangailangan.
Nagka-photocard ka na, may napkin ka pa! Bongga, ‘di ba?
Finally ay nagsalita na si Erwan Heussaff tungkol sa kumalat sa social media na hiwalayan diumano nila ni Anne Curtis.
Well, buti nga ay ginawa na ito ni Erwan para tuldukan na rin ang mga nagpapakalat ng fake news lalo na’t nadadamay na ang kapatid ni Anne na si Jasmine Curtis-Smith na kabit daw niya.
Sa Instagram (IG), ini-upload ni Erwan ang photos nila ni Anne habang kumakain sa isang restaurant sa Singapore.
Caption niya sa post, “Marked Safe (white flag emoji).
“Anne and I have never really posted much about each other online, it’s just how we are.”
Sey pa niya ay wala silang dapat patunayan sa publiko, dahilan para hindi sila laging mag-post ng picture nang magkasama. Busy din kasi sila sa kani-kanilang career.
Pahayag niya, “We don’t feel the need to prove anything to anyone. But everyone has to work on being less gullible online, information can be weaponized. This wasn’t a big deal, but imagine it’s something that has real word repercussions.
“Just because something has lots of views, doesn't make it real. Take a Facebook (FB) detox.”
Nabasa n'yo ba ‘yun, mga Marites? Mag-FB detox daw kayo, sabi ni Erwan Heussaff o magpahinga muna sa socmed dahil nasosobrahan na kayo, kaya’t kahit fake news ay pinaniniwalaan n'yo.








Comments