top of page
Search
BULGAR

Giga nakadalawa na, angat sa liderato ng PBA

ni Rey Joble @Sports News | August 22, 2024


Jennifer Lopez at Ben Affleck / Geo
Photo: PBA / FB

Sa ikalawang sunod na laro, muling ipinamalas ni Rondae Hollis-Jefferson ang kanyang bagsik at gabayan ang TNT sa kanilang pangalawang panalo matapos dispatsahin ang All-Filipino champion na Meralco, 93-73, sa pagpapatuloy ng PBA Governors’ Cup nitong Huwebes ng gabi sa Smart Araneta Coliseum.


Bukod kay Hollis-Jefferson, ang dating Best Import awardee ng Tropang Giga na siya ring namuno sa koponan sa pagkopo ng titulo sa kaparehas na torneo dalawang season na ang nakakaraan, todo kayod rin ang isa sa pinakabagong manlalaro ng TNT na si Rey Nambatac.


Kinuha noong off season kapalit nina Kib Montalbo, Jewel Ponferada at ang second round pick ng Tropang Giga sa 53rd season ng liga, madaling nakapag-adjust si Nambatac sa kanyang bagong koponan kung saan malaki ang kanyang ginagawang papel bilang isa sa premyadong guwardiya ng mga bataan ni coach Chot Reyes.


Sa pagkawala ni Mikey Williams na tuluyan nang hindi pinapirma ng kontrata ng Tropang Giga, naging katuwang ni Jayson Castro si Nambatac hindi lang sa pagbibigay ng puntos sa backcourt kasama na rin ang pagtitimon sa koponan. May naipong 25 puntos si Hollis-Jefferson, kabilang rito ang 14 na naitala sa third period, habang sumikwat rin ng 12 rebounds at nagbigay ng walong assists. Nagbuhos naman ng 16 na puntos si Nambatac at nagdagdag ng pitong rebounds. Ito ang ikalawang sunod ng panalo ng TNT para kuhain ang solo liderato sa torneo. “If there’s one thing that we’re seeing it’s the integration of the newbies with the rest of the team,” ang sabi ni Reyes. Maganda ang ipinakikita ng Tropang Giga na tila hindi iniinda ang pagkawa ng mga injured players na sina Kelly Williams at Roger Pogoy. Kasalukuyan ring nagpapagaling pa ang sophomore forward ng koponan na si Henry Galinato na may iniindang pilay sa tuhod. “Roger still has some back issues, although the MRI showed no major structural damage and did some light workouts at practice while Kelly is day-to-day depending on the pain on his calf,” dagdag pa ni Reyes.


0 comments

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page