Gayuma (35)
- BULGAR
- Jan 27, 2024
- 1 min read
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 27, 2024

Kung hindi lang masyadong seryoso ang mukha ni Princess, tatawa na sana si Gabriel. Para kasi sa kanya, isang malaking kalokohan ang salitang ‘gayuma’.
Tanging ang Maykapal lang ang may kapangyarihan, kaya hindi siya naniniwala sa sinasabi nito.
“Hindi ako naniniwala,” mariin niyang sabi.
“Iyon ang totoo.” Buong diin nitong sagot.
“Mahal kita, iyon ang alam ko.”
Hindi ito kumibo, pero nakita niya ang takot sa mga mata nito. Sa kagustuhan niyang ma-comfort ang kanyang nobya, niyakap na lamang niya ito.
“Para saan ito?” Nagtataka niyang tanong.
“Gusto kong maramdaman mo ang init ng pagmamahal ko. Nararamdaman mo na ba?” Tanong nito sabay yakap ng mahigpit.
“Ramdam na ramdam.”
“Kung ganu’n, walang rason para magduda ka.”
“Pero…”
“Mahal kita.”
“Sure ka?”
“Oo nga.”
Dapat sana ay masiyahan si Princess sa isinasagot ni Gabriel, pero hindi pa rin siya kumbinsido. Mahirap kasing paniwalaan kung hindi pa nawawala ang gayuma na inilagay niya sa inumin nito.
“Gabriel, may bisita ka.”
Bigla siyang napalingon sa sinabi ng ina ni Gabriel. Ngingiti pa sana siya, pero paano pa niya gagawin ‘yun, kung si Glaiza ang kanyang nakita? – si Glaiza ay ang ex ni Gabriel.
Itutuloy…








Comments