Gayuma (30)
- BULGAR
- Jan 21, 2024
- 1 min read
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 21, 2024

Napangiwi si Princess dahil sa biglang pagtawa ni Gabriel. Ang inaasahan kasi niya ay magalit ito. Ngunit, nakabibigla ang positibong pagtanggap nito sa kanyang sinabi.
“Huwag ka ngang magpatawa,” wika niya.
Hindi man lang sineryoso ni Gabriel ang kanyang sinabi. Kung hindi siya nagkakamali, inakala lang ng binata na siya'y nagbibiro.
Gustong ipagpilitan ni Princess ang kanyang sinasabi, pero pagkaraan ng ilang sandali ay parang naglaho ang lakas ng kanyang loob, at hindi na nga niya maibuka pa ang kanyang bibig para sana magsalita muli.
“Bakit ginayuma mo ba ako? ” Tanong nito.
“Hindi ka ba naniniwala?” Tanong niya sa halip na sagutin ng diretsahan ang itinatanong nito.
Marahang tawa ang pinawalan nito at sabay sabing, “hindi mo naman ako kailangang gayumahin. Day 1 palang mula nang magkakilala tayo, nagawa mo na akong magayuma.”
Gusto sana niyang kiligin sa mga salitang sinasabi ni Gabriel, pero hindi niya masiguro kung seryoso ba ito o hindi.
“Eh, bakit hindi ka nainlab kay Baninay? Iisa lang naman ang mukha namin.”
“Kasi nga ikaw ang mahal ko, kahit na ano pa ang hitsura mo, mahal kita. At hindi ikaw si Baninay, kaya hindi niya ako malilinlang.” Marahang sabi nito.
May mga gusto pa sana siyang sabihin, pero pinili na lamang niyang itikom ang kanyang bibig. Basta ang mahalaga ay masaya siya sa kanyang narinig.
“Pero, kailangan ko na bumalik sa katawan ko,” pagmamadali niyang sabi.
“Kahit hindi na…”
“Hindi puwede,” gilalas niyang sabi.
“Dahil nanghihinayang kang mawala ang kagandahan mo?”
“Dahil mamamatay ako kapag hindi na ako nakabalik sa katawan ko,” mariin niyang sabi.
Itutuloy…








Comments