Gayuma (27)
- BULGAR
- Jan 18, 2024
- 1 min read
ni Maria Angela Gonzales @Kuwentong Pag-Ibig | Enero 18, 2024

Marahas na buntong hininga ang pinawalan ni Baninay. Hindi siya makapaniwala kung bakit hindi man lang tinatablan si Gabriel ng gayuma, gayung alam naman niya na napakalakas nu’n, at hindi niya matanggap na dahil ito sa matinding pag-ibig na nararamdaman ng binata sa kanyang nobya na walang iba kundi si Princess.
Ayon sa nakararami, kapag tunay ang pag-ibig na nararamdaman ng isang tao para sa kanyang partner, hindi magkakaroon ng epekto ang isang sumpa. Ngunit, sa kaso ni Gabriel, ni minsan ay hindi ito naapektuhan gayung dapat ay malito na ito sa kanyang nararamdaman.
Ngunit, isang katotohanan ang agad niyang naisip, baka dahil hindi naman talaga siya nanggagayuma o nagriritwal kaya malaki ang tsansa na pumalpak siya.
“Kumusta ka na, apo?” Wika ng matandang babae na nakasalubong niya.
Hindi niya sana ito papansinin, kundi lang rumehistro sa kanyang isipan ang katagang apo.
“Apo n’yo ho ako?”
“Manugang ko ang ama mo.”
“Ikaw ang nanay ng tatay ko?”
“Yes.”
“Bakit hindi ka ho bumibisita sa bahay?”
“May importante lang akong ginagawa. Ngunit, hindi na importante iyon. Ang mahalaga ay matulungan kita sa problema mo.”
Marahang tawa naman ang pinawalan nito.
“Hindi ka dapat matawa, dahil kaya kitang tulungan sa problema mo.”
“Tulad na mainlab sa akin si Gabriel?” Naniniguro niyang tanong.
“Yes.”
“Game!” Buong diing niyang sabi.
Sobra siyang na-excite, at ‘di niya napigilan ang pumalakpak.
“Baka may nanggagayuma sa’yo?”
Itutuloy…








Comments