Gawin ang tamang pagtatapon ng facemask
@Editorial | February 03, 2022
Patuloy ang panawagan kaugnay ng tamang pagtatapon ng facemask.
Dapat ipatupad ang tamang pagtapon at paghiwa-hiwalay ng COVID-19 waste sa mga tahanan.
Binubukod dapat ang lahat ng basura para na rin sa kaligtasan ng mga garbage collector.
Huwag ihalo sa household waste ang ginamit na facemask.
Kung nasa bahay lang, huwag na gumamit ng disposable face masks dahil dagdag-basura lang ito, puwede na ang reusable o washable.
Ganundin sa mga establisimyento, lalo na sa mga clinic at ospital, may tamang protocol sa pagtatapon ng COVID-19 waste.
Dapat yellow plastic bag ang gamitin kapag infectious waste; black plastic bag para sa general waste at green plastic bag sa food waste na imo-monitor ng Department of Health at Department of Environment and Natural Resources.
Hindi natatapos sa pagsusuot ng facemask ang pag-iingat sa ating sarili, kundi hanggang sa wastong pagdi-dispose ng mga ito. Ituro natin ito hanggang sa mga bata para alam din nila kung paano makaiwas sa anumang banta ng sakit.



Comments