Search
  • BULGAR

Garcia, gagapangin si Pacman mapansin lang at makalaban

ni Gerard Arce / ATD - @Sports | June 28, 2020




Inihayag ni dating four-division world champion Mikey Garcia (40-1, 30KOs) na unang-una sa listahan ng mga gustong makalaban nito ay si World Boxing Association (WBA) welterweight titlist Manny “Pacman” Pacquiao sakaling mapagbigyan ng pagkakataon sa kanyang ikatlong laban sa 147-lbs limit.


Aminado ang 32-anyos na Oxnard, California-native na mas malaki umano ang tsansa niyang matapatan ang nag-iisang eight-division World titlist dahil wala itong bentahe sa tangkad at haba ng braso tulad ni WBC/IBF welterweight king Errol Spence Jr, na nagbigay ng kauna-unahang talo sa kanya noong Marso 16, 2019 sa AT&T Stadium sa Texas para sa IBF title dahil sa unanimous decision.


I would love the opportunity to fight Manny,” pahayag ni Garcia sa panayam rito ng to PBC on Fox. “He doesn’t have the height and reach advantage like Errol [Spence]. So I think that makes the better fight for me. I’m excited if I can get that fight, that would be the best fight. I know there are other opportunities for him. I would love the opportunity, as well. The fanbase would love that. I have a lot of fans and he’s obviously a big draw,” dagdag nito.


Nitong nakalipas na Pebrero 29 ay muling nakalaban sa 147-lbs division ang dating multiple champion sa pamamagitan ng unanimous decision victory laban kay Jessie Vargas sa Ford Center sa The Star sa Frisco, Texas; kung kaya’t nais nitong mas mapatatag ang posisyon sa naturang dibisyon sakaling magtagumpay ito laban sa Filipino fighting Senator.


I know he’s going to engage, and I know he’s going to fight hard. He’s a legend, and I would love to add that to my resume, fighting the great Manny Pacquiao would be tremendous for my legacy,” wika ng orthodox fighter. “So I think it would be a great fight. If I get that, I’m definitely taking care of business, and I wouldn’t let this pass me by. I’m hoping to secure that and look forward to it,” ika nito.


Tanggap ng American boxer na marami ang mga nakalinyang laban na naghihintay sa 41-anyos na Filipino boxing icon, ngunit kung hindi man papalarin na matupad ang pinapangarap na laban ay maaari nitong bigyan ng pansin ang iba pang mahuhusay na boksingero sa kanilang kategorya.


Ilan sa mga puwedeng makatapat nito ay sina dating two-division champ Danny Garcia (36-2, 21KOS), dating two-time welterweight title holder Shawn “Showtime” Porter (30-3, 17KOs), at dating undefeated at kampeon na si Keith “One Time” Thurman (29-1, 22KOs).


I’m fighting Danny, Errol’ or whoever it may be, then I’ll have to look at whoever is available and whoever else is left. If he fights Shawn Porter, then I may look into fighting Danny Garcia. So if Danny is fighting Errol, then the only one left out is Keith. Then maybe I would go at Keith,” eksplika nito.


Wala namang interes na makabasagang-mukha ng dating amateur boxing gold medalist ang kampeon ng World Boxing Organization (WBO) na si Terrence “Bud” Crawford dahil wala naman umano itong magandang sinasabi sa kanya.


The only name I’m not looking at is Crawford, being that I’ve seen Bob Arum say not the nicest things about me. I just think that fight is out of the question. It’s not that I wouldn’t fight Crawford.”

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.