top of page
FRANKLY - NADINE, TUMAKBO NA RAW SA SIARGAO, SINUNDAN PA RIN NG WORK NILA NI ALDEN-IG _ na

Front ang pagiging courier driver... 22-anyos na tulak, buking sa P3.4M shabu

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 1 min read

by Mervin Reyes @News | August 24, 2026



3.4M shabu 500 gramo sa buy-bust operation sa Brgy. Dau, Mabalacat City - PDEA-RO3

Photo: Buy-bust operation sa Brgy. Dau, Mabalacat City - PDEA-RO3



Arestado ang isang 22-anyos na driver ng courier company matapos makumpiskahan ng tinatayang P3.4 milyon halaga ng hinihinalang shabu sa buy-bust operation sa Brgy. Dau, Mabalacat City, Pampanga noong Biyernes ng gabi, Agosto 21.


Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 3 ang suspek sa alyas Haji, na umano’y bigtime drug pusher at sangkot sa malakihang pamamahagi ng shabu sa Metro Manila at Central Luzon.


Alas-8 ng gabi nang isinagawa ng PDEA, katuwang ang lokal na pulisya, ang buy-bust operation sa kahabaan ng Dau-NLEx Access Road na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.


Nakumpiska ang tinatayang 500 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P3.4 milyon.


Ayon sa PDEA, ginagamit umano ng suspek ang trabaho nito bilang driver ng courier company bilang front sa kanyang ilegal na aktibidad.


Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page