Flores, pinanalo ang 3 kabayo na sinakyan
- BULGAR
- Jan 24, 2024
- 1 min read
ni Green Lantern @Renda at Latigo | Enero 24, 2024
Tatlong kabayo ang sinakyan ni jockey Jonathan D. Flores ang nagwagi noong Linggo sa Metro Turf, Malvar sa Tanauan City, Batangas.
Iginiya ni Flores si Princess Belle upang sungkitin ang panalo sa PHILRACOM Rating Based Handicapping System na nilarga sa unang karera.
Nasaksihan ng mga karerista ang husay sa pagdadala ni Flores nang magaan nitong itinawid sa meta si Princess Belle na nakalamang ng tatlong kabayo sa pumangalawang si Meet Me In Dcorner.
Umarangkada sa largahan ang matulin na si Meet Me In Dcorner at nakalamang ito ng anim na kabayo sa humahabol na si Lady Arya.
Nasa tersero puwesto ang Empire Ruler habang nanonood sa pang-apat ang Princess Belle.
Pagdating ng far turn ay lumapit na si Princess Belle kaya naman pagsungaw ng rektahan ay nakuha na ni winning horse ang bandera.
Hindi na nakaporma ang mga nakatunggali ni Princess Belle sa diretsuhan kaya mag-isa nitong tinawid ang finish line. Inirehistro ni Princess Bell ang tiyempong 1:30 minuto sa 1,400 meter race sapat upang hamigin ng winning horse owner na si Jonathan Santos ang P11,000 added prize.
Maliban kay Princess Belle ay naipanalo rin niya sina Signature Whiskey sa race 3 at Full Combat Order sa race 6.
Ang nasabing event ay suportado ng Philippine Racing Commission, (PHILRACOM) ni Chairman Reli de Leon kung saan ay nasa walong karera naman ang pinakawalan ng Metro Manila Turf Club Inc. (MMTCI).








Comments