Flood control scam, 'wag tantanan
- BULGAR

- 17 hours ago
- 1 min read
by Info @Editorial | February 4, 2026

Sa kasalukuyan, abala ang karamihan sa usapin ng impeachment complaint laban kina President Ferdinand Marcos, Jr. at Vice President Sara Duterte.
Kasabay nito, sunud-sunod din ang mga balita ng mga karumal-dumal na krimen—mga pagpaslang, pang-aabuso, at nakawan.
Natural lamang na pagtuunan ng pansin ang mga isyung ito, dahil apektado ang bansa at buhay ng mamamayan.
Gayunman, may isang kritikal na problema ang tila unti-unting nakakalimutan na: ang imbestigasyon sa bilyun-bilyong pisong pondo para sa flood control na hanggang ngayon ay hindi ramdam ang epekto.
Sa kabila ng paulit-ulit na pagbaha, sirang imprastraktura, at mga komunidad na taun-taong nagiging evacuation center, nananatiling malabo kung saan napunta ang pera at kung sino ang dapat managot. At kung magpapatuloy ang ganitong paglihis ng atensyon, muli na namang makakalusot ang isang usaping may direktang epekto sa buhay at kaligtasan ng mamamayan.






Comments