top of page

Flood control projects sablay, budget ibigay sa edukasyon

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 21, 2025
  • 1 min read

by Info @Editorial | August 21, 2025



Editorial


Umarangkada na sa Senado ang imbestigasyon sa umano’y maanomalyang proyekto kontra-baha sa bansa.


Muli ring nabanggit na umaabot sa isang bilyong piso kada araw ang budget para sinasabing flood control. 


Pero ano ang resulta? Baha pa rin kahit kaunting ulan lang. Sayang ang pera ng bayan. Sana ay inilaan na lang sa ibang proyekto. 


Maraming eskwelahan ang kulang sa klasrum, pasilidad at kahit upuan.

Kung hindi kayang ayusin ang flood control, ilipat na lang ang badyet sa edukasyon.

Mas may silbi pa ang bawat pisong gagastusin kung ito’y mapupunta sa klasrum — sa pagpapagawa ng bagong silid, pagkuha ng guro, at pagbili ng gamit para sa pagtuturo.


Hindi natin sinasabing hindi mahalaga ang flood control. Pero kung palpak, huwag nang ipilit. Ayusin muna ang sistema bago magdagdag ng pondo. Sa ngayon, mas kailangan ng mga bata ang ligtas, maayos, at dekalidad na lugar para matuto.


Bukod sa nakakalulang gastos na hindi naman maramdaman ang magandang resulta, nabulgar din ang korupsiyon sa nakumpirmang ghost flood control projects. Lunod na naman sa kahihiyan ang gobyerno. Kailangang may managot. 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page