top of page
Search
  • BULGAR

First bf, ‘di makakatuluyan kahit sobrang labs

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | May 16, 2022



KATANUNGAN

  1. May boyfriend ako at one year and seven months na ang relasyon namin, pero magkagalit kami ngayon. Gayunman, kahit may LQ kami, dama kong mahal namin ang isa’t isa. Nagte-text siya sa akin at humihingi ng sorry, pero hindi ko pa siya sinasagot.

  2. Sa totoo lang, gusto ko kasi na minsan ay humihingi siya ng tawad at nagmamakaawa sa akin dahil lihim akong natutuwa sa kanya at naku-cute-an ako sa kanya kapag ginagawa niya ‘yun. Pero may balak naman akong makipag-ayos sa kanya, nagpapakipot lang talaga ako ngayon.

  3. Maestro, siya na ba ang makakatuluyan ko? Siya ang first boyfriend ko at kung sakaling magkabati kami muli at nagkatuluyan, magiging maligaya ba ang papasukin naming pag-aasawa?


KASAGUTAN


  1. Bakit naman nagpapakipot ka pa, Bhea? Ang inaalala ko, baka ang mangyari sa huli ay tuluyan na rin siyang mawala sa iyo.

  2. Sad to say, ganu’n ang nais sabihin ng dalawang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M, 2-M arrow a. at b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Pansining medyo maikli at malabo ang una (1-M arrow a.), kung saan kaya naging maikli at medyo malabo ang unang Marriage Line, (arrow a.) ay dahil tulad ng nasabi na, siya ang larawan ng unang boyfriend mo.

  3. Bagama’t nakabuo rin kayo ng isang meaningful at quality relationship, tuluyan din kayong maghihiwalay. At pagkatapos ng isang taon, bigyang-daan mo naman ang pagdating ng ikalawang boyfriend mo na inilalarawan ng ikalawang mas malinaw, mahaba at makapal na Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad.

  4. Ito ay nagsasabing ang ikalawang boyfriend na nabanggit na hindi mo pa kakilala sa kasalukuyan ang siya mo nang makakatuluyan at makakasama habambuhay.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Minsan, masarap ding pakisamahan ang mga babaeng pakipot, maarte at pa-cute pa sa kanilang boyfriend, para hindi gaanong mahalata ang kanilang itinatagong damdamin. Tunay ngang minsan ay epektib talaga ang ganu’ng style upang lalong maging sweet at sumarap ang pagmamahalan. Pero hindi naman palaging ganu’n dahil may mga lalaki ring hindi type ang ganu’ng pakikitungo sa kanilang girlfriend. Kaya naman madali silang mabubuwisit at naaasar at sa huli ay maaaring maging sanhi ng paghihiwalay.

  2. Ganu’n ang maaaring mangyari, Bhea, kung saan kapag palagi mo siyang inuurat, inaasar, pinapahirapan at palagi kang nagpapakipot, pero love na love mo naman pala talaga siya, magkakaroon din ng hangganan ang lahat. Maaaring ang kasalukuyan n’yong maliit na tampuhan ay mauwi sa paghihiwalay, na nakatakdang mangyari sa taon ding ito ng 2022 sa buwan ng Hunyo.

  3. Pagkatapos maging malungkot ang iyong buhay hanggang sa sumapit ang buwan ng Disyembre sa taon ding ito, mabubuksan ang ikalawa at bagong yugto ng pakikipagrelasyon na hahantong sa walang maliw at wagas na pagmamahalan. Ito ay hatid ng lalaking isinilang sa zodiac sign na Gemini, na may birth date na 29 – sa piling ng nasabing lalaki, makakasumpong ka na ng tapat at wagas na pag-ibig na hahantong sa maligaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page