top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

Fil-Am Clarkson, Harris at James, nag-hokage moves

BULGAR
Mar 18, 2021
2 min read

ni Anthony E. Servinio - @Sports | March 18, 2021




Nakabawi ang numero unong Utah Jazz at nagtala ng mahalagang panalo sa Boston Celtics, 117-109, sa NBA kahapon mula sa TD Garden. Winasak ng tres ni Jordan Clarkson ang huling tabla ng mainitang laban, 82-79, at mula doon ay humataw ang Jazz patungo sa kanilang ika-29 tagumpay sa 39 laro.


Kahit hindi na pumuntos si Clarkson mula roon, ginanahan ang mga kakampi sa huling 11 minuto at bumuhos ng siyam na sunod-sunod na puntos upang itayo ang pinakamalaking lamang, 113-103. Pumukol ng limang tres si Clarkson para sa 20 puntos habang ipinasok ni Donovan Mitchell ang walo sa 21 puntos sa huling 4 na minuto upang lampasan si Clarkson.


Nanatili sa Philadelphia 76ers ang liderato ng Eastern Conference matapos lusutan ang New York Knicks, 99-96,sa likod ng 30 puntos ni Tobias Harris at 20 ni Seth Curry.


Bumawi ang defending champion Los Angeles Lakers mula sa mabagal na simula at itinumba ang kulelat na Minnesota Timberwolves, 137-121. Triple double muli si LeBron James na 25 puntos, 12 rebound at 12 assist na karamihan ay para kay Montrezl Harrell na nagdagdag din ng 25 puntos.


Hindi tumiklop at ipinasok ni Damian Lillard ang dalawang free throw na may 1.2 segundo sa orasan upang ipanalo ang Portland Trail Blazers ang New Orleans Pelicans, 125-124. Nagtapos si Lillard na may 50 puntos at 10 assist at sinundan ni Gary Trent Jr. na may 22.


Sa ibang laro, patuloy ang pag-akyat ng Miami Heat at tinalo ang Cleveland Cavaliers, 113-98, para sa kanilang ika-11 panalo sa huling 12 laban. Bumida si Jimmy Butler na may 28 puntos at 12 rebound at sinundan ni Kelly Olynyk na may 17 puntos at ika-apat sa East (22-18).


Anim na sunod na tagumpay na ang Atlanta Hawks at binigay nila sa Houston Rockets ang kanilang ika-17 sunod na talo, 119-107. Namuno si Danilo Gallinari na may 29 puntos. Umapoy para sa 40 puntos si All-Star Zach LaVine para ibigay sa Chicago Bulls ang 123-102 pagwagi sa Oklahoma City Thunder


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page