Fighter plane galing sa Brazil, dumating na sa ‘Pinas
- BULGAR

- Sep 21, 2020
- 1 min read
ni Thea Janica Teh | September 21, 2020

Nakatanggap ng fighter plane ang Philippine Air Force mula sa Empresa Brasiliera de
Aeronáutica (Embraer SA) ng Brazil nitong Linggo, ayon sa Department of Foreign Affairs
(DFA).
Ang pagbibigay ng aircraft ay bahagi ng revised Armed Forces of the Philippines
Modernization Program (AFPMP).
Apat na units ng Close Air Support Aircraft (A-29 Super Tucano) mula sa Brazilian
aerospace conglomerate Embraer SA ang dumating sa Clark International Airport noong
Sabado, Setyembre 19. Bukod pa rito, may dalawa pang parating ngayong linggo.
Ang Embraer SA ay pangatlo sa pinakamalaking gawaan ng civil, military at executive
aircraft sa buong mundo.
Nakipagtulungan ang Philippine Embassy sa Brasilia upang maayos ang flight at iba pang kailangang requirements kasama ang Embraer SA sa pagpapadala ng aircraft sa bansa.





Comments