Feeling malas dahil laging bigo sa love life at career
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| May 26, 2022
Dear Maestro,
Tawagin n’yo na lang akong Mara. Isinilang noong July 23, 1994. Gusto kong malaman kung malas ba ako o malas ang birthday ko? Palagi kasi akong malas sa pag-ibig at sa pag-a-apply ng trabaho. Anu-ano ang mga dapat kong gawin para ako ay suwertehin?
Umaasa,
Mara ng Leveriza, Pasay City
Dear Mara,
Paano naman naging malas ang birthday mong July 23, 1994, samantalang sa totoo lang, ang kaarawan mong ito ang isa sa pinakamasuwerteng birthday? Ang birthdate mong 23 o 5 (dahil ang 23 ay 2+3=5) ay sadyang suwerte sa pag-a-abroad, pag-aasawa ng mayaman at pagnenegosyo.
Habang ang destiny number mo namang 8 ay nakatakdang yumaman nang sobra. Naging 8 ang destiny number mo dahil ang July 23, 1994 ay kinokompyut ng ganito: 7+23+1994=2024/ 20+24=44/ 4+4=8.
Kaya naman kung babae ka, alinman sa dalawa ang mangyayari sa iyong kapalaran, ang makapag-aasawa ka ng mayaman o likas kang lalapitan ng mga materyal na bagay. ‘Ika nga, nakatakda nang dumating sa buhay mo ang panahon na masasabi mong, “Bakit kaya madali akong magkapera, pero madali rin itong nauubos?” Mangyayari ito dahil ang mga taong may birthdate na 23 o 5 (ang 23 ay 2+3=5) ay sadyang maluwag ang pasok ng pera sa kanilang bulsa at sila rin ay kadalasang yumayaman, tulad ng may mga bitbit na numerong 8, 17 at 26.
Eh, samantalang nagkataon pang 8 ang destiny number mo, tulad ng kinompyut natin sa itaas. Kaya bukod sa birth date mong 5, may destiny number kang 8, kung saan ang mga taong nabanggit na tulad mo ay tiyak na yayaman.
Ang kaibahan lamang ng Taong Singko, hindi sila gaanong naghihirap kung ikukumpara sa mga Taong Otso na bago yumaman ay “down to earth” muna talaga. Habang, ang Taong Singko, kahit magpa-easy-easy, tulad ng nasabi na, yayaman talaga sila at ‘yan ang siguradong magaganap sa iyong kapalaran.
Mangyayari ito sa pamamagitan ng mayaman ang napangasawa nila, maaari rin namang nakapag-abroad sila o nagkaroon ng tulad nilang Taong Singko na ka-partner sa negosyo.
Kaya sa tanong mo kung malas ka, hindi ka malas, at lalong hindi malas ang birthday mong July 23, 1994. Bagkus, magugulat ka pa, pagdating ng panahon sa iyong buhay na mayamang-mayaman ka na, sa taong 2035 at sa edad mong 41 pataas, maaalala mo ang artikulong ito at habang nagkakape sa magarang silyang tumba-tumba sa terahe ng inyong napakagandang bahay, wala sa loob na msasabi mo sa iyong sarili, “Tama si Maestro Honorio Ong, mayamang-mayaman na ako. Nasaan na kaya siya ngayon?”




Comments