Feeling excited? 5 Bagay na hindi dapat minamadali, alamin!
- BULGAR
- Apr 28, 2022
- 3 min read
ni Mharose Almirañez | April 28, 2022

“Dumadaan ang araw, ‘di mo namalayan naubusan ka ng oras,” ‘ika nga sa kanta ni Sarah Geronimo na Isa Pang Araw.
Lahat naman tayo ay gustong mag-skip to the good part. ‘Yung tipong looking forward tayo sa future, kung saan pati orasan ay gusto nating i-fast forward.
Time is gold, beshie. Kahit gaano ka man ka-excited, dapat mo pa ring sulitin ang oras dahil hinding-hindi mo na ‘yan maibabalik kahit humiling ka pa sa Diyos ng isa pang araw.
Bilang gabay, narito ang ilang bagay na dapat mong sulitin sa halip madaliin:
1. PAGTANDA. Minsan ka lang magiging bata kaya sulitin mo na. Ang totoo, ito ang pinakamasayang parte ng pagiging tao. ‘Yung edad na hindi mo pinoproblema ang finances. ‘Yung tipong mga sugat sa tuhod lang ang iniiyakan mo. ‘Yung bigyan ka lang ng kendi ay masaya ka na. ‘Yung iisipin mo lang ay kung paano magtutulug-tulugan kapag pinapatulog ni nanay sa tanghali.
As we grow older, hahanap-hanapin natin ‘yung sapat na oras ng tulog at pahinga. Hindi na tayo mapapatahan ng kendi at hindi lang sugat sa tuhod ang nakapagpapaiyak sa ‘tin. Once maging adult tayo, rito na rin pumapasok ‘yung napakarami nating insecurities at responsibilities na hindi puwedeng takasan.
2. PAGDYO-DYOWA. Kahit saan tumingin, ultimo elementary students ay may ka-holding hands while walking. Sakit sa mata, ‘di ba, beshie?! Hindi naman masamang magmahal, ngunit bilang respeto sa mga magulang na nagkakanda-kuba kakakayod, mairaos lang ang pag-aaral mo ay kaunting konsiderasyon naman.
As a teenager, ‘di ba, mas masarap sa feeling ‘yung pasulyap-sulyap ka lang muna kay crush? ‘Yung inspired kang pumasok sa school dahil hoping kang maka-groupings siya sa class activity. ‘Yung kulang na lang ay ipa-laminate mo lahat ng answer sheets mong may corrected by his/her name tuwing nate-tsekan niya ‘yung papel mo. Higit sa lahat, ‘yung in denial ka, pero kilig to the bones naman kapag inaasar ka ng friends mo kay crush. Napakasayang bumalik sa ganyang stage ‘di ba?
3. PANLILIGAW. Para sa mga kalalakihan, ‘wag na ‘wag n’yong mamadaliin si girl na sagutin kayo. Kung totoo ang intensiyon n’yo sa panliligaw, dapat n’yong respetuhin ang kagustuhan ni girl na magpa-hard to get. As for the girls, ‘wag basta sagot nang sagot. Okie?
Mahirap kung hinog sa pilit ang relasyon. Paano kung may makilala kayong iba in the middle of your relationship? Ipagpalagay nating hindi pa ganu’n katibay ‘yung relasyon n’yo dahil ang tendency, matutukso kayo sa iba at mapapakanta nang ‘Bakit ngayon ka lang?’ at ‘Ikaw Sana’ ni Ogie Alcasid. Dito na nga magsisimula ang cheating. Kung hindi kayo nagmadali, eh ‘di sana, hindi kayo napunta sa maling tao.
4. PAGMU-MOVE ON. Kung nag-break kayo ng dyowa mo ay i-enjoy mo lang ‘yung pain. Tandaang the more pain, the better person you become. ‘Wag mong madaliin ang pagmu-move on ‘coz moving on is a long process. It takes time to heal wounds, ‘ika nga. Puwede mo rin basahin ang nauna kong ‘Tips para maka-get over sa break-up’ bilang gabay sa ‘yong pagmu-move on.
Sabi nga nila, happiness is a choice. If you will never be happy being single right now, you will never be happy when you get married. Oh, ha! English ‘yan! Kaya kung single ka ngayon, dapat mo ‘yang ipagdiwang, sapagkat mayroong “14 perks of being single”. Isipin mo na lang na blessing in disguise ang breakup n’yo, dahil inilayo ka ni Lord sa maling tao.
5. PAG-AASAWA. Kahit na sabihing may divorce o annulment naman, hindi pa rin dapat ginagawang training ground ng relationship ang marriage. ‘Ika nga, hindi ito parang kanin na isinubo at ‘pag napaso’y iluluwa. ‘Wag puro, “Mahal kita, mahal mo ‘ko, tara, pakasal tayo!” Tandaan, hinding-hindi kayo mapapakain ng pagmamahal. Bago mag-I do, siguraduhin munang spiritually, mentally, physically and financially ready kayong mag-partner.
Kalakip ng pagpapakasal ang pagkakaroon ng responsibilidad sa iyong asawa’t magiging anak. ‘Wag pasukin ang panibagong chapter ng buhay kung hindi ka pa handang manindigan sa buhay may pamilya, sapagkat mga bata lamang ang magiging kawawa sa huli. As if namang puwede silang ibalik sa sinapupunan ‘pag sawa na kayo sa buhay may asawa, ‘di ba?!
You know what, beshie, papunta ka pa lang sa exciting part kaya ‘wag mo masyadong habulin ang future. Ang buhay ay punumpuno ng surprising plot twist at walang shortcut sa kani-kanya nating timeline of success. ‘Wag magmadali sa pagtanda, pagdyo-dyowa, panliligaw, pagmu-move on at pag-aasawa dahil lahat naman tayo’y aasenso, ikakasal at mamamatay.
Sa ngayon ay sundin mo muna ang bilin nina nanay at tatay, sapagkat para sa ‘yo rin naman ang mga ginagawa nila. Dapat kang maging thankful sa presence ng iyong parents dahil kapag nawala sila, paniguradong hahanap-hanapin mo rin ang pagkalinga nila. ‘Wag mo hintaying mahuli ang lahat bago mo ‘yan ma-realize, dahil hinding-hindi sila babangon sa hukay para lang i-comfort ka.
Okie?








Comments