top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Fans humirit, ang daming kontra… ALDEN-NADINE MOVIE, HINAHARANG AGAD

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Aug 10, 2020
  • 1 min read

ni Nitz Miralles - @Bida | August 10, 2020




Simula ngayong Lunes, may back-to-back-to-back ng mga nagguguwapuhang Kapuso actors sa afternoon programming ng GMA-7.


Unang umeere ang Ika-6 Na Utos na bida si Gabby Concepcion kapareha si Sunshine Dizon. Sunod na airing ang Stairway to Heaven na bida si Dingdong Dantes katambal si Rhian Ramos at 'pag 4:15 PM, magsisimula ang airing ng rerun ng One True Love tampok si Alden Richards katambal si Louise delos Reyes.


Sa One True Love nagsimulang tawaging Tisoy si Alden dahil Tisoy Bulaong ang name ng karakter niya at Elize Samonte naman si Louise. Hanggang ngayon, tinatawag pa ring Tisoy si Alden, nag-stick sa kanya ang pangalang ‘yun.


Sa mga fans ni Alden na nagsimula lang siyang suportahan mula nang sumikat ang AlDub, Victor Magtanggol at pelikulang Hello, Love, Goodbye, chance n'yo nang mapanood ang Pambansang Bae in one of his early series, kung saan nakitaan na siya ng husay sa pag-arte.


Anyway, dahil magkasamang endorsers sina Alden at Nadine Lustre ng Century Tuna, may mga nagri-request na sana ay gumawa rin sila ng pelikula. Hindi lang maiwasang may mga nagne-nega agad dahil nabalita pa lang naman na may producer na gusto sanang pagsamahin ang dalawa sa pelikula, may bashers na agad na nagsabing ayaw nilang magtambal ang dalawa.


Paano kung may producer ngang interesadong pagtambalin sina Alden at Nadine at paano kung parehong open ang dalawa na gumawa ng pelikula, may magagawa kaya ang mga bashers?

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page