top of page

FAMAS trophy, kaya ibinenta... "Nakatambak lang sa bahay namin" — Niño

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jun 4, 2024
  • 1 min read

ni Eli San Miguel @Entertainment News | June 4, 2024



File photo


Ikinuwento ni Niño Muhlach sa isang episode ng "Fast Talk With Boy Abunda" kung bakit niya ibinenta ang isa sa kanyang Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) trophies sa halagang kalahating milyong piso.


Ipinagbili ng dating child star kay Boss Toyo ng Pinoy Pawnstar ang nasabing award. Ayon pa sa kanya, si Boss Toyo ang unang nagpakita ng interes sa tropeyo.


“Tinawagan ako ni Boss Toyo. He was telling me nga na mayroong nag-offer sa kanya ng FAMAS Award ng child star pero hindi raw niya binili because para sa kanya, ang child star talaga sa isipan niya was Niño Muhlach,” paliwanag ng aktor.


“Eh, I have five awards, nakatambak lang sa bahay. Hindi ko naalagaan,” dagdag niya. Ibinahagi rin ni Niño na nagkaroon sila ng kasunduan ni Boss Toyo na bawal ipagbili sa iba ang kanyang FAMAS trophy dahil nakalaan itong ilagay sa gagawin niyang museum.


“Ang usapan namin ni Boss Toyo, sige, I'll send it to you but may deal. Kailangang i-restore mo na magmumukhang bago and idi-display mo sa museum at hindi mo puwedeng ibenta. Idi-display niya doon sa museum niya na forever makikita ng mga tao," kuwento ni Niño.


Matatandaang binansagan noon na "Child Wonder" si Niño Muhlach na naging pinakasikat na child actor sa Pilipinas noong dekada '70.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page