top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Fake news, dagdag-problema sa pandemya, tsk-tsk-tsk!

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 8, 2022
1 min read

@Editorial | January 08, 2022



Grabe na naman ang fake news sa social media.


Marami na nga ang nababahala sa biglang pagtaas na naman ng kaso ng COVID-19, nakikipagsabayan pa ang pagpapakalat ng maling impormasyon.


Tulad ng posts na naghihikayat sa publiko na mag-imbak na ng mga pagkain at pangunahing pangangailangan dahil magdedeklara raw ng Batas Militar si Pangulong Rodrigo Duterte.


Base sa mga posts, ang Martial Law ay ipatutupad hanggang Enero 30, bilang hakbang ng gobyerno para mapigilan ang pagkalat ng COVID 19.


Mariin naman itong itinanggi ni Defense Secretary Delfin Lorenzana, “Not true, fake news.”


Pagtitiyak ni Lorenzana, hindi kasama sa mga ikinukonsiderang hakbang ang deklarasyon ng Batas Militar. Diin nito, walang mabigat na dahilan para magdeklara nito.


Sa mga gumagawa at nagpapakalat ng fake news, makonsensiya naman kayo. Sa atin namang netizens, huwag basta magpapaniwala sa mga nababasa online. Palaging siguruhin na legit ang post. Kung hindi sigurado sa nababasa, huwag nang i-share pa.


Nasa gitna na nga tayo ng pandemya, dagdag-problema pa ‘tong fake news. Kailangan na talagang may masampulan nang matindi sa mga nasa likod nito.


Bukod sa nakapagdudulot ng takot, tiyak na pinagkakakitaan na rin nila ang masamang gawain.


Bukod sa hamon sa gobyerno na masugpo ang fake news, responsibilidad din natin bilang mamamayan na labanan ito upang maprotektahan ang ating kaligtasan at kalayaan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page