Factory ng paputok, sumabog, 4 patay
- BULGAR
- Nov 18, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | November 18, 2022

Apat ang kumpirmadong patay matapos ang sunog sa isang pabrika ng paputok sa Calamba City, Laguna ngayong Biyernes.
Ayon kay City Disaster Risk Reduction Management Office (CDRRMC) officer Carlito Alcaraz, isang malakas na pagsabog ang narinig mula sa establisimyento bago tuluyang sumiklab ang apoy bandang alas-10:00 ng umaga sa Barangay Canlubang.
Batay sa isang police report, itinaas sa ikalawang alarma ang sunog bandang alas-11:20 ng umaga habang idineklarang under control ng alas-12:03 ng tanghali.
Nito lamang buwan, isa ring pabrika ng paputok ang sumabog sa Sta. Maria, Bulacan, kung saan walong indibidwal ang nai-report na nasugatan.








Comments