top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Face-to-face kampanya, tiyaking ligtas sa Covid

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Nov 12, 2021
  • 1 min read

@Editorial | November 12, 2021



Hindi pa man pormal na nagsisimula ang kampanya para sa Halalan 2022, todo-arangkada na ang mga kandidato sa pag-iikot.


Ang problema, kapansin-pansing marami ang nakalilimot na tayo’y nasa gitna pa ng pandemya.


Tuwing may kandidatong lumalapag sa isang lugar, nagdaragsaan ang mga tao hanggang sa nalalabag na ang mga protocols kontra-COVID-19, tulad ng physical distancing.


Paano pa kaya ‘pag opisyal nang nagsimula ang kampanya?


Lalo na’t papayagan ng Commission on Elections (Comelec) ang ‘in person campaigning’.


Una na ring nagpaalala si Pangulong Rodrigo Duterte na dapat magkaroon ng ‘space’ para sa pangangampanya ng mga kandidato.


Kailangang magtakda ng mga alintuntunin para sa physical campaign, tulad ng limitadong bilang ng mga makakasama sa campaign rally, na nakadepende rin sa umiiral na alert level sa lugar.


Ang paalala rin sa mismong mga kandidato, maging mabuting ehemplo. Sa inyo sana magsimula ang disiplina at pagsunod sa mga alituntunin at hindi ‘yung kayo pa ang pasimuno sa pagpapasaway.


Umaasa tayong hindi masasayang ang lahat ng sakripisyo sa pandemyang ito.


Magtuluy-tuloy na sana ang pagbuti ng sitwasyon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page