top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Face-to-face graduation, posible na 

BULGAR
Mar 8, 2022
1 min read

@Editorial | March 8, 2022


Kasunod ng pagpasok sa ‘new normal’, umaasa ang Department of Education (DepEd) na makapagsasagawa ang mga paaralan ng limited physical End-of-School-Year (EOSY) para sa taong panuruan 2021-2022.


Bagama’t depende umano ito sa risk assessment ng mga rehiyon kung kakayaning makapagdaos ng graduation rites ang mga eskuwelahan.


Sana lang din ay huwag mangyari ang pinangangambahang muling pagbugso ng COVID-19 dahil sa ilan umanong kaganapan, tulad ng pagsuway sa protocols, pagdagsa sa mga campaign rallies at ang sinasabing paglipas ng immunity dulot ng COVID vaccine.


Kasunod naman ng inaasahang physical graduation rites, sinimulan na rin ang pagpaplano at pagbuo ng mga patnubay para sa Curriculum and Instruction (OUCI) kung paano isasagawa ang aktibidad.


Tulad ng ibang gawain, maging sa graduation ay pananatilihing angkop ang panuntunang pangkalusugan at mga protocol sa kaligtasan sa pagsasagawa sa buong seremonya.


Nakatutuwang isipin na matapos ang maraming pagbabago at hirap sa pag-aaral, kinaya pa ring maitawid ang edukasyon sa gitna ng pandemya.


Marapat na pasalamatan ang mga opisyal ng paaralan, mga guro, pati na ang mga magulang na matiyagang gumabay sa mga anak habang nag-aaral sa bahay.

Umasa tayo na mas matatag na ang edukasyon dahil kinaya natin ito sa mahirap na sitwasyon.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page