top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Face-to-face classes, tiyaking bantay-sarado

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 28, 2021
1 min read

@Editorial | October 28, 2021



Nalalapit na ang pilot testing ng face-to-face classes.


Una nang inanunsiyo ng Department of Education (DepEd) na 90 paaralan ang napili para sa pagkasa ng limitadong balik-eskuwela sa Nobyembre 15.


Sa ngayon, Kindergarten hanggang Grade 3, at technical-vocational programs sa Senior High Schools lamang ang kasama sa pilot run ng kagawaran.


Kaugnay nito ang paalala sa kinauukulan na tiyakin ang kaligtasan ng mga guro, estudyante at iba pang kabilang sa face-to-face classes.


Mahalaga rin na handa ang lahat mula sa mga pasilidad hanggang sa mga mismong mga lalahok sa pilot testing, lalo na’ mga bagets at hindi pa bakunado ang karamihan.


Kailangang bantay-sarado ang kalusugan at kaligtasan ng lahat habang itinatawid ang edukasyon.


Samantala, tiniyak na rin ng kapulisan na ready na rin sila sa pagbabantay sa mga paaralan na kabilang sa pilot testing ng face-to-face classes.


Nagpalabas na umano ng direktiba sa mga kinauukulang unit commanders na makipag-ugnayan sa mga lokal na tanggapan ng DepEd at Commission on Higher Education (CHED) para alamin kung paano makatutulong ang mga pulis.


Anumang ganap ay magiging maayos basta tulung-tulong ang lahat at sumusunod.


Umaasa tayo na sa pamamagitan ng pilot testing ay agad na makikita kung may mga kailangan pang baguhin o gawin.


Tulad ng sinabi ng pamahalaan, hindi sapilitan ang face-to-face classes, malaya ang magulang at mga estudyante na umayaw kung nag-aalinlangan.


Muli, magtiwala pa rin tayo na handa at laging nakaalalay ang mga guro at kinatawan ng gobyerno sa bagay na ito.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page