top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Face-to-face classes, aarangkada na; mga bagets, ingat!

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 6, 2021
1 min read

@Editorial | December 06, 2021



Sa kabila ng banta ng Omicron variant ng COVID-19, tuloy ang pag-arangkada ng face-to-face classes.


Ngayong araw ay inaasahan ang muling pagpasok ng mga estudyante sa paaralan. Bagama't limitado lamang sa iilang iskul.


Paliwanag ng Department of Education (DepEd), wala pa munang magiging adjustment kung saan susundin muna nila ang mga naunang plano.


Nasa 28 pa rin na paaralan ang lalahok sa face-to-face classes sa Metro Manila -- tig-dalawang paaralan sa Caloocan City, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, Quezon City, Taguig, Valenzuela, Manila at Las Piñas, kung saan isa naman ang sasali sa Malabon, Makati, San Juan at Pasay City.


Paiiralin pa rin ang social distancing alinsunod sa kautusan ng Inter-Agency Task Force (IATF).


Umaasa tayong magiging maayos at ligtas ang face-to-face classes. Batid natin kung gaano kasabik ang mga guro at mag-aaral na makabalik sa paaralan kung saan masasabing mas madali ang paghahatid ng edukasyon.


Matagal-tagal na rin ang sakripisyo ng bawat isa sa gitna ng pandemya. Kailangan na nating lumaban, makipagsabayan at talunin ang COVID-19.


Ang paalala sa mga magulang, palaging baunan ang mga anak ng pag-iingat at disiplina.


Ipaliwanag sa kanilang maigi ang banta ng virus at iba pang sakit.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page