top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Face shield, dagdag-proteksiyon o dagdag-problema?

Writer: BULGAR
BULGAR
Dec 1, 2021
1 min read

@Editorial | December 01, 2021



Kasabay ng banta ng Omicron variant, suportado naman ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbabalik ng mandatory na pagsusuot ng face shield.


Gayunman aniya, ang Inter-Agency Task Force pa rin ang bahala sa pagdedesisyon nito.


Ayon naman sa pamunuan ng Department of Health, hindi maiiwasan ang pagdating ng Omicron kaya iminungkahi niya ang pagsusuot ng face shield sa close spaces, matataong lugar at mga close-contact setting.


Matatandaang inalis ang polisiyang mandatory ang pagsusuot ng face shield, kasabay ng mga pag-aaral umano na wala naman itong epekto sa pagpigil ng COVID-19 transmission, maliban na lang kung i-require ng lokal na pamahalaan na nasa Alert Level 4, at tuluyang gawing mandatory sa Alert Level 5.


Bagama’t marami ang ayaw nang magsuot ng face shield dahil bukod umano sa dagdag-gastos ay takaw-aksidente pa. May mga nakaranas nang madapa dahil sagabal sa paningin at meron ding muntik nang masagasaan kahahabol sa nilipad na face shield.


Gayunman, nang bigyang-babala ang mas matinding variant ng COVID-19m, may mga nag-uumpisa na ring magsuot ulit ng face shield. Katwiran nila, dagdag-proteksiyon na rin ito laban sa virus.


Sana, hindi makapasok ang bagong variant, halos nag-uumpisa pa lang tayong bumawi.


Kaya ang panawagan sa gobyerno, mas higpitan ang pagbabantay sa mga pumapasok sa bansa. Huwag nating hayaang may makalusot.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page