F2F classes, bantay-sarado kontra-COVID
@Editorial | December 08, 2021
Zero case o walang anumang naitalang kaso ng COVID-19 mula sa mga guro, iba pang school personnel at mga mag-aaral sa nakalipas na dalawang linggo.
Ito ay batay sa monitoring at report ng mga personnel ng Department of Education (DepEd) na tumututok sa face-to-face classes sa buong bansa partikular sa National Capital Region (NCR).
Meron lang umanong mangilan-ngilan na nakitaan ng flu-like symptoms, subalit hindi naman ito kompirmadong COVID positive.
Nagsimula na rin ang pilot testing sa iba pang eskuwelahan na pinayagang makasali nitong isang linggo at sumabay na rin sa pagbubukas nitong Disyembre 6, 2021.
Kaugnay nito, natutuwa rin ang mga magulang dahil nakikita nila ang kasabikan ng mga anak na muling makapasok at makasama ang mga kaklase. Masasabi grabe rin talaga ang adjustment at challenges sa edukasyon dahil sa pandemya.
Ang palaging lang paalala sa lahat, palaging mag-ingat at paalalahanan, lalo na ang mga bagets na maging disiplinado at alagaan ang sarili.
Kung kailangan ng mga dagdag-safety measures, mas mainam. Hindi natin sinusubok ang panahon kundi sinisimulan na nating makisabay at lumaban.



Comments