Expanded number coding scheme, suspended bukas, Set. 26 – MMDA
- BULGAR
- Sep 25, 2022
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 25, 2022

Suspendido ang expanded number coding scheme sa Lunes, Setyembre 26, dahil sa Super Typhoon Karding, ayon sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ngayong Linggo.
Ito ang inanunsiyo ng ahensiya matapos ang direktiba ni acting MMDA Chairman Carlo Dimayuga III bilang paghahanda sa masamang panahon dulot ng epekto ng super typhoon.
Alas-11:00 ng umaga, isinailalim na ng PAGASA ang Metro Manila sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 3.
Sinabi ng state weather bureau na sa naturang kondisyon, ang tinatawag na storm-force winds ay posibleng magdulot ng katamtaman hanggang sa matinding banta sa buhay o significant threat to life at sa ari-arian sa loob ng susunod na 18 oras.
Ayon pa sa PAGASA, ang sentro ni ‘Karding’ ay huling namataan sa layong 175 kilometro east ng Infanta, Quezon na may maximum sustained winds na 195 km/h malapit sa sentro at gustiness na aabot hanggang 240 km/h, at central pressure na 920 hPa. Ito ay kumikilos pakanluran ng 20 km/h.
Gayundin, nagtataglay ito ng malakas hanggang sa typhoon-force winds na nag-e-extend palabas na aabot ng hanggang 290 km mula sa sentro.








Comments