top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Excited maghiwa ng cake, pahiwatig ng pansamantalang suwerte

BULGAR
Aug 14, 2022
1 min read

ni Estrellia de Luna - @Panaginip gabay ng buhay | August 14, 2022


Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Rizza ng Pasig City.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na birthday ko, tapos niregaluhan ako ng tatay ko ng malaking birthday cake at cup na ivory kahit magsasaka lamang siya at wala namang gaanong pera. Hiniwa ko agad ‘yung cake, tuwang-tuwa at sobrang excited ako. Nahalikan ko pa ang tatay ko sa tuwa.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Rizza


Sa iyo, Rizza,


Ang birthday cake na regalo sa iyo ng tatay mo ay nangangahulugan na susuwertehin ka sa darating na mga araw, lalo na kung sinindihan mo na ang kandila at maliwanag na maliwanag ang sindi o hindi aandap-andap. Ang hiniwa mo agad ang cake sa sobrang excited ay nangangahulugan na ang paparating na suwerte sa buhay mo ay pansamantala lamang, kaya dapat mo itong pahalagahan.


Ang sabi mo ay magsasaka ang tatay mo, gayunman, bukod sa mamahaling birthday cake ay niregaluhan ka rin niya ng cup na ivory, nangangahulugan ito ng masaganang ani. Ito rin ay nagpapahiwatig na susuwertehin ka sa pag-ibig at paparating na si Mr. Right, gayundin, mala-love at first sight siya sa iyo. Sweet din siya at charming, may sense of humor gaya ng pinapangarap mo at mauuwi sa kasalan ang relasyon n’yo.


Samantala, ang hinalikan mo ang tatay mo dahil sa sobrang tuwa ay nangangahulugan na mahal na mahal mo ang ama mo at ganundin siya sa iyo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page