top of page

Ex-wife, binati sa birthday… SHARON, ‘DI LANG ISA, 3 HEARTS ANG SAGOT KAY GABBY

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Jan 8
  • 2 min read

ni Vinia Vivar @Frankly Speaking | Jan. 8, 2025



Photo: Gabby at Sharon - IG


Naniniwala na kami na talagang okay na okay ang relasyon ngayon ng dating mag-asawang sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta. Mukhang friends na talaga sila, at obviously, nakatulong ang Dear Heart (DH) US and Canada tour nila nitong nakaraang October-November, 2024.  


Sa kanyang Instagram (IG) post ay binati ni Gabby ang kanyang ex-wife sa kaarawan nito noong January 6.  


Nag-post ang aktor ng reel at nakasaad dito ang kanyang birthday greetings.  


“Happy Birthday ‘Dear Heart’ Jan 6, 2025,” ang caption ni Gabo with matching background music pa na Days I Will Remember


At take note, nag-react si Sharon sa comment section ng tatlong purple heart.  

Kaya naman super-kilig na naman ang solid Sha-Gab fans. 


Narito ang ilan sa kanilang mga comments:  


“At last @concepciongabby! (in love emoji).


“Friends na silaaaa! ” 


“May extra oxygen ka ba d’yan? ‘Di na ako makahinga rito.”  


“Muntik na kami maging alien, ‘di matulog kahihintay nito. Tagal!”


“Cause of death talaga ‘tong pagiging fans ng SG. Nag-ube na ang puso ko (purple heart emoji).”  


Fiancee raw ang tawag sa kanya ng BF…

HEAVEN, NAGSALITA NA SA KASAL NILA NI MARCO



Itinanggi ni Heaven Peralejo ang tsikang engaged na sila ng boyfriend na si Marco Gallo.  


Nagsimula kasi ang espekulasyon na ikakasal na ang MarVen dahil sa isang post ni Marco kung saan ay makikitang “fiancée” ang pangalan ni Heaven sa kanyang cellphone.  


Sa latest vlog ni Ogie Diaz ay ibinalita niyang tinanong niya si Heaven mismo kung engaged na ba ito with Marco at sagot naman daw ng aktres, “Not true, Tito.”  


Kung sakali raw ay sasabihin naman niya agad ito.  


Ayon kay Ogie, maaaring term of endearment lang daw ni Marco sa girlfriend ang “fiancée.”  


Matatandaang last November, 2024 nang isapubliko ng MarVen ang kanilang relasyon via IG. 


Binati ni Marco si Heaven sa kaarawan nito at tinawag niya ang aktres na “Mahal.”  

Sumagot naman si Heaven Peralejo ng “I love you.” 

 
 
 

Comentarios


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page