Ex-Sen. Marcos, tatakbong muli sa 2022

ni Lolet Abania | February 17, 2021

Kinumpirma ng kampo ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na siya ay tatakbo sa 2022 national elections.
Ito ang inanunsiyo ni Atty. Vic Rodriguez, spokesperson ni Marcos, ngayong Miyerkules.
“He will be definitely running for 2022,” ani Rodriguez sa isang interview.
Gayunman, tumangging magbigay ng ibang detalye si Rodriguez kung saang posisyon tatakbo si Marcos.
“We will be making an announcement as to his plans for 2022,” sabi pa ni Rodriguez.
Inilabas ang nasabing pahayag isang araw matapos ibasura ng Supreme Court, tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), ang election protest na inihain ni Marcos laban kay Bise-Presidente Leni Robredo sa naging resulta ng halalan nu’ng 2016 dahil sa kawalan ng merito.





Comments