Ex-House Speaker Noli Fuentebella, pumanaw na sa edad 74
- BULGAR

- Sep 9, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | September 9, 2020

Pumanaw na si dating House Speaker Arnulfo "Noli" Fuentebella sa edad na 74 ngayong Miyerkules. Ito ang kinumpirma ng anak niyang si Camarines Sur 4th District Rep. Arnie Fuentebella sa Facebook post nito.
"Your prayers for his final journey back home will be fondly appreciated. Rest in peace, Dad," sabi ni Fuentebella.
Namatay ang dating Speaker sa sakit sa puso matapos ang dalawang taong pakikipaglaban nito sa sakit sa kidney.
Naglingkod bilang Speaker ng House of Representatives si Fuentebella mula 2000 hanggang 2001. Bukod sa pagiging Speaker, nagsilbi rin siya bilang representative sa Third District ng Camarines Sur mula 1992 hanggang 2001 at noong 2004 hanggang 2010.
Gayundin, sa Fourth District ng parehong lalawigan mula 2010 hanggang 2013 at noong 2016 hanggang 2019.
Magbibigay ng iba pang detalye sa pagpanaw ng dating Speaker ang pamilya Fuentebella sa mga susunod na araw.





Comments