Ex-cop Garma, pumayag na tumestigo sa Duterte ICC case — Remulla
- BULGAR
- 1 day ago
- 1 min read
by Info @News | September 8, 2025

Photo: Boying Remulla / HOR / ICC / FB
Pumayag umano si retired Police Colonel Royima Garma na maging testigo sa kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court (ICC), ayon kay Justice Sec. Jesus Crispin “Boying” Remulla.
Sinabi ni Remulla na nasa Kuala Lumpur, Malaysia ngayon si Garma, kung saan nakatakda siyang makipagpulong sa mga awtoridad ng ICC doon.
“The ICC has been asking Sonny Trillanes about making her available to be a witness in the case against Duterte in the ICC, in The Hague,” ani Remulla. Isa si dating Senator Trillanes sa mga complainants sa ICC case.
“I think she has agreed to be a witness, according to Senator Sonny Trillanes,” dagdag nito.
Matatandaang tumestigo si Garma sa “reward system” kung saan ang mga payment ay sinasabing ibinibigay sa mga pulis para sa pagpatay sa mga suspek sa droga.
Comments