top of page
Search
  • BULGAR

Ex-convict, nilikida

News @Balitang Probinsiya | April 30, 2024



Bacolod City — Isang ex-convict ang namatay nang barilin ng isang hindi kilalang armadong salarin kamakalawa sa Brgy. Alijis, sa lungsod na ito.


Ang biktimang nagtamo ng isang tama ng bala sa ulo ay nakilalang si Jay-ar Gamboa, nasa hustong gulang, dating nakulong sa kasong illegal drugs at residente sa naturang lungsod.


Ayon sa ulat, habang naglalakad si Gamboa ay biglang sumulpot ang suspek at agad binaril sa ulo ang biktima.


Agad tumakas ang suspek matapos ang pamamaril habang dinala ng mga saksi ang biktima sa ospital, pero idineklara itong dead-on-arrival.


Nagpalabas na ng manhunt operation ang pulisya para madakip ang suspek.



0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page