top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Essential workers, dagsa na sa bakuna, supply pa more!

BULGAR
Jun 13, 2021
1 min read

@Editorial | June 13, 2021


Maraming essential workers na kasama sa A4 priority list ang dumadagsa na sa vaccination centers para magpaturok ng COVID 19 vaccine.


Sa ngayon, sila ang itinuturing na pag-asa ng ating bansa para makabangon mula sa pagkakalugmok ng ekonomiya.


Batid naman natin na maraming negosyo ang nagsara at kasunod nito ay maraming manggagawa ang nawalan ng nagtrabaho dulot ng pandemya.


Kaya nang magdatingan ang supply ng bakuna, talagang pinag-isipang mabuti kung paano ito maipamamahagi nang maayos o kung sino ang mga dapat na unahin.


At ngayong puwede nang magpaturok ang mga essential workers, umaasa tayo na tuluy-tuloy din ang supply ng bakuna.


Samantala, ayon kay vaccine czar Carlito Galvez, Jr., maaaring simula sa Setyembre ay maging ‘commercially available’ na ang COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer at Moderna.


Aniya ang dalawang manufacturers, ang Moderna, Inc. at Pfizer-BioNTech ay nag-apply na ng ‘full authorization status’ mula sa World Health Organization (WHO).


Ang mga bakuna na may ‘full authorization status’ mula sa WHO ay puwede nang direktang ipagbili sa mga konsiyumer o bilhin sa mga pribadong kumpanya.


Sa ngayon, tanging emergency use authorization lang mula sa Food and Drug Administration (FDA) ang hawak ng mga itinuturok na COVID-19 vaccines sa bansa, kaya libre pa at hindi puwedeng ipagbili.


Ang hirit ng iba, samantalahin na ang bakuna habang libre pa, pero siyempre, tulad ng paulit-ulit na sinasabi, hindi ito sapilitan subalit, huwag ding isara ang isipan sa posibilidad na magpabakuna.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page