top of page

English term, pasado raw… SIGAW NI TONI FOWLER: ‘DI BASTOS ANG SALITANG ‘PUKE’

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 6 hours ago
  • 1 min read

ni Janiz Navida @Special Article | January 31, 2026



SPECIAL ARTICLE - SIGAW NI TONI FOWLER_ ‘DI BASTOS ANG SALITANG ‘PUKE’_FB Toni Fowler

Photo: FB Toni Fowler



Usap-usapan online ang pananaw ng vlogger-singer na si Toni Fowler matapos nilang pag-usapan ang paggamit ng ilang Tagalog words na tumutukoy sa maseselang parte ng katawan. 


Sa panayam ni Rico Robles, sey ni Toni, ang kanyang pagiging liberated o open sa salita at kilos ay nagiging dahilan kung bakit lagi siyang bina-bash online.


Lalo na nang ilabas niya ang dalawa sa kanyang mga kanta na M.P.L. (Mal*bog ‘Pag Lasing) at M.N.M. (Masarap Na Mommy) na may kalaswaan sa lyrics at music video na agad inalis ng YouTube (YT) sa mga puwedeng i-search para sa safety ng mga bata.

Sey ni Toni Fowler, “Tanggap lang. Kung ‘yun po ang sa tingin nilang bastos, wala naman tayong magagawa.”


Dagdag pa niya, hindi niya maintindihan kung bakit nagiging issue ang paggamit ng Tagalog words sa maseselang bahagi ng katawan, pero okay lang kung English. 

Pahayag ni Toni, “For example, sabihin ko, p*ke. Bastos po ba ‘yun? Parte ‘yun ng katawan ng babae. Pero ‘pag sinabi mong vagina, ‘Ay, ‘di bastos ‘yung sinabi ni Toni.’


“P*king may tahi? Totoo naman, mommy na s’ya, eh!”

Samantala, ito naman ang sey ng dating commissioner ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Jerry Gracio.


Pahayag nito, “Tama si Toni Fowler. ‘Di bastos ang p*ke. Ang p*ke ay p*ke, bura*, b*lat, fuk*, k*ki, p*day sa ating mga katutubong wika.”


Well, 2026 na pero marami pa ring ‘Pinoy ang hindi bukas sa ganitong mga usapin.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page