Engineering graduate, nakatakdang maging tambay bago makapag-abroad
- BULGAR
- Jul 20, 2022
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | July 20, 2022

KATANUNGAN
Graduate ako ng Electrical Engineering, pero hindi pa ako board passer. Marami na akong na-apply-an na trabaho, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ako natatawagan. Nahihiya na kasi ako sa mga kapatid at magulang ko na hinihingan ko ng pangkuha ng mga requirement at pamasahe, at ‘yung iba ko pang gastusing personal ay sa kanila ko pa inaasa. Kaya gusto ko nang malaman kung kailan ako magkakatrabaho?
Ano ang kulay ng damit na dapat kong isuot kapag ako ay nag-apply upang madali akong matanggap?
Iniisip ko ring mag-apply sa abroad, may Travel Line ba ako sa aking mga palad at makakapag-abroad ba ako? Kung mayroong guhit ng paglalakbay, kailan naman ito matutupad?
KASAGUTAN
Saglit na huminto ang Fate Line na tinatawag ding Career Line (Drawing A. at B. F-F arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na mga anim na buwan hanggang isang taon ka mababakante at pagkatapos nito ay makakaroon ka ulit ng career o trabaho. Ibig sabihin, kung Hulyo ngayon at kung noon ka pa walang trabaho, dahil wala pang isang taon o mag-iisang taon ka pa lang naman nababakante, ito ay posibleng mangahulugan na sa malapit na hinaharap ay tapos na ang taning ng kapalaran upang ikaw ay maging tambay at ikaw makakapagtrabaho na.
Dahil dito, tulad ng nabanggit, hindi magtatagal, maaaring sa susunod na buwan ng Agosto o Setyembre, pinakamatagal na sa buwan ng Oktubre sa taong kasalukuyan, tiyak ang magaganap, makakatagpo ka na ng trabaho na suweto sa career o propesyon mo.
Samantala, dagdag pa rito ang paglutang ng maayos at magandang Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad na nagsasabing, isa hanggang dalawang taon ka lang magtatrabaho sa ating bansa at pagkatapos nito, kusang darating sa kapalaran mo ang pangingibang-bansa.
Ito ay dahil may malinaw at maganda kang Travel Line (t-t arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad at tulad ng naipaliwanag na, matapos kang magtrabaho sa ating bansa, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang inilaan sa iyo ang takdang kapalaran.
MGA DAPAT GAWIN
Zedrick, upang mas madali kang matanggap sa mga in-apply-an mong trabaho, suweto at suwerte sa iyo ang kulay na pula at dilaw, habang puwede rin ang itim at puti.
Habang, ayon sa iyong mga datos, tiyak na ang magaganap, ngayong 2022, partikular sa buwan ng Agosto hanggang Oktubre, isang kumpanya na dati mo nang in-apply-an ang tatawag sa iyo, ma-i-interview ka at pagkatapos ay makakapagsimula ka agad ng trabaho na may kaugnayan sa natapos mong kurso.
Lilipas ang isa hanggang dalawang taon pa, sa 2025 at sa edad mong 28 pataas, isang magandang oportunidad naman sa pangingibang-bansa ang darating sa iyong kapalaran na may pangako ng mabunga at mabiyayang karanasan.




Comments