Search
  • BULGAR

Ellen at lovechild na si Elias, nagdiwang ng 2nd b-day

ni Lolet Abania | June 27, 2020




Sa kabila ng pagiging low profile ng aktres na si Ellen Adarna, hindi niya napigilang ipakita ang pagmamahal sa kanyang lovechild na si Elias na nagdiwang ng 2nd birthday.


Nag-post si Ellen sa kanyang IG account ng mga bonding moments nilang mag-ina, mula sa pagtugtog ng piano noong baby pa si Elias hanggang sa kaya at na nitong tumayong mag-isa at lumakad. Si Elias ay anak nila ng actor na si John Lloyd Cruz.


Ipinakita rin ni Ellen ang mga kuha nilang dalawa na nag-eenjoy sa beach at ang pagpunta nila sa isang playhouse. Sa isang video, tinutugtugan ni Ellen ng paboritong kanta si Elias habang ito ay nasa walker.


Nag-share din si Ellen ng adorable moments nila, na karga ang anak at nakasuot ng Superman costume. Dinisplay din niya ang “first birthday cake” ni Elias.


Nito lamang muling binuksan ni Ellen ang kanyang IG account, matapos na magpahinga sa socmed ng halos tatlong taon.


Naging mainit ang showbiz career ni Ellen noong 2017 nang makarelasyon niya si JLC.

Ang dating couple ay naghiwalay noong 2019, subalit wala ni isa sa kanila ang nagkumpirma tungkol dito.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.