Election period start na, mga pasaway stop!
- BULGAR
- Jan 11, 2022
- 1 min read
@Editorial | January 11, 2022
Nagsimula na ang election period, kaugnay nito, nakiusap ang Philippine National Police (PNP) sa mamamayan na sumunod sa mga ipinatutupad na batas.
Sinabi ni PNP chief Police Gen. Dionardo Carlos, na dahil sa pagsisimula ng election period ay asahan ang kabilaang Comelec checkpoints na magtatapos hanggang Hunyo 8, 2022.
Kaya ang paalala sa lahat, sumunod sa batas, igalang ang mga tagapagpatupad nito.
Hindi maiwasang isipin na dagdag-abala ang mga checkpoint pero, ang dapat nating maunawaan, ito ay dagdag-proteksiyon.
Sa pamamagitan ng checkpoint, may mga napipigilang kriminal o gumagawa ng ilegal, na kung hindi mahuhuli ay perhuwisyo na naman sa lipunan.
Samantala, lahat ng mga License to own firearms outside na residente ay kanselado at maaari lamang ito payagan kapag nakakuha ng valid certificate of authority mula sa Comelec.
Tanging mga alagad ng batas ang papayagang magdala ng baril, basta naka-uniform at naka-duty.
Maaari lamang payagan ang kapulisan na magdala ng kanilang baril kapag sila ay nagsasagawa ng intelligence o counter-intelligence gathering o may nirespondehang police emergencies.
Muli, unawain, igalang at sundin ang mga batas para rin sa kapakanan nating lahat.



Comments