top of page
Paul Salas, Mikee Quintos at Jeo Ong - IG - PBB YT.jpg

Dagdag-bonus sa taga-gobyerno, dapat ramdam din ng publiko

Writer: BULGAR
BULGAR
12 hours ago
1 min read

by Info @Editorial | November 9, 2026



Editoryal, Editorial


Magandang balita para sa mga kawani ng gobyerno ang year-end bonus na katumbas ng isang buwang sahod at P5,000 cash gift, bukod pa sa posibleng P30,000 incentive sa Disyembre.


Malaking tulong ito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng gastusin, lalo na ngayong papalapit ang Pasko. Karapatan din ng mga empleyadong masisipag at tapat sa tungkulin na makatanggap ng benepisyong naaayon sa batas.


Pero kasabay ng mga bonus na ito, dapat ding tiyaking maayos ang serbisyo sa publiko. Hindi dapat mahaba ang pila, mabagal ang proseso at pahirapan ang pagkuha ng mga dokumento sa mga tanggapan ng gobyerno.


Pondo ng bayan ang ginagamit sa mga benepisyong ito, kaya nararapat lamang na may katapat itongpananagutan at mahusay na pagganap sa tungkulin.


Walang masama sa malaking bonus para sa mga kawani ng gobyerno. Ang mahalaga, kasabay ng ginhawang kanilang natatanggap ay ginhawa ring nararamdaman ng taumbayan.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page