top of page
Gary V. - IG.jpg

Edgardo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 22, 2023
2 min read

ni Lucifera @Lagim | October 22, 2023


Ayaw ni Edgardo na mapunta sa impiyerno, kaya handa niyang gawin ang lahat para mangyari ang sinasabi ni Ferdie.


‘Di niya alam kung mapagkakatiwalaan ba talaga ito. Pero, kailangan niyang sumugal kung nais niyang makapasok sa panggitnang pinto.


Hindi man siya magkaroon ng kapayapaan du’n ‘di tulad sa langit, nakakasiguro naman siya na mas okey kung sa panggitnang pintuan siya mapupunta kaysa sa impiyerno.


Para kasing mararamdaman din niya ang init ng apoy kapag susunugin na siya. Hindi man niya tiyak kung malilitson siya, aware naman siyang masasaktan pa rin ang kanyang kaluluwa.


Kaya, sinunod na lamang niya ang sinabi ni Ferdie. Ang magpakita sa mga taong sakay ng isang sasakyan para makakuha ng kaluluwa, at kailangan niyang tiyakin ang kamatayan ng mga ito.


Alam niyang masama ang kanyang gagawin, pero mas maiging intindihin niya ang kanyang sarili kaysa sa iba.


Kahit na hindi pa nakaka-recover ang pamilyang Matthew sa pagkamatay ni Edgardo, kailangan pa rin nilang mag-move on, at ang pagpunta sa probinsya ang pinakatamang gawin. Naniniwala sila na mas magiging madali ang paglimot kung naru’n sila.


“Edgardo…” gulat na bulalas ni Francisco, nakakatandang kapatid nito. Bigla itong nagpreno ngunit nasa bangin na sila kaya nagtuluy-tuloy ang kanilang pagbagsak.


Nang makita ni Edgardo na bumagsak sa bangin ang van, gusto niyang masiyahan. Alam niya kasing maraming laman ang van kaya sure na ang pagpasok niya sa panggitnang pinto. Ngunit, nawala ang ngiti sa kanyang mga labi nang makilala niya ang mga kaluluwa, dahil ito pala ay ang kanyang pamilya.


“Maraming salamat kaibigan at makakapasok na ako sa panggitnang pinto.” wika ng isang nilalang sa kanyang tabi.


“Ano?!”


“Ang kailangan ko ay ang tulad kong kaluluwa na papatay para mabuksan ang panggitnang pinto para sa akin at ‘yun ang ginawa mo. Kailangan mo ring maghintay ng kagaya natin na handang pumatay para makapasok ka sa panggitnang pintuan.”


Wakas.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page