top of page
Gary V. - IG.jpg

Edgardo

Writer: BULGAR
BULGAR
Oct 17, 2023
2 min read

ni Lucifera @Lagim | October 17, 2023


“Ano bang problema nila?” Naiinis na tanong ni Edgardo dahil kahit ano’ng pagbati ang gawin niya sa kanyang mga kasamahan ay hindi siya pinapansin ng mga ito at para bang hindi siya nakikita.


Marahas na buntong hininga ang kanyang pinakawalan. Wala naman siyang maisip na kasalanang nagawa niya para isnabin siya ng kanyang mga kaopisina. Ewan lang niya kung isyu pa sa mga ito na nagtatrabaho siya sa call center pagkatapos ng kanyang trabaho. Wala namang masama sa ginagawa niya, hindi ba? Ang nais lang niya ay dumami nang dumami ang kanyang pera.


Pera ang nagpapaikot sa mundo kaya natural lamang na magkaroon ng maraming pera para makuha ang lahat ng iyong ninanais. Ibig mo rin siyempre igalang ng nakakarami.


O, hindi ba, kalimitan naman ay mas iginagalang ka ng mga taong nakapaligid sa iyo kapag alam nilang may pera ka?


Marahas na buntong hininga ang pinakawalan niya, dahil ‘yun ang ginagawa sa kanya ng kanyang mga magulang. Sa tuwing nagkikita sila ay sinasabi sa kanya kung gaano ito nasisiyahan dahil ang kuya niya ay isang architect habang ang ate naman niya ay isang nurse sa Canada.


Samantala, walang masabi ang magulang niya na nasisiyahan ito sa kanya. Kung sa bagay, paano naman mangyayari ‘yun kung hindi nga niya nagawang tuparin ang gusto ng mga ito na makapagtapos siya ng pag-aaral?


Sa palagay niya, hindi niya na kailangan pang makapagtapos ng pag-aaral kung mayroon na siyang trabaho at malaki ang nakukuha niya kahit na isa lamang siyang clerk. Maaaring kaya ganu’n ay dahil sa utang na loob. Nailigtas niya kasi sa kamatayan ang amo niya nang makita niyang bumangga ito sa isang poste. Kung hindi niya ito nailabas sa sasakyan ay panigurado kasama ito sa sumabog.


“Inggit lang sa iyo ang mga ‘yan, kaya ‘di ka nila pinapansin,” wika ng isang lalaking nakatayo pala sa harapan ng kanyang mesa. Hindi niya ito napansin agad dahil abala siya sa pag-iisip ng kung anu-ano. Kumunot ang noo niya nang mapansin niyang napakaputla nito tapos nanlalalim ang mga mata dahil sa eye bags.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page