ECQ sa NCR at kalapit na lugar, may part 2
- BULGAR
- Mar 29, 2021
- 1 min read
@Editorial | March 29, 2021
Bago matapos ang Marso, muli na namang isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) ang Metro Manila, Rizal, Bulacan, Cavite at Laguna.
Tatagal ng ECQ ng isang linggo na magsisimula ngayong Lunes, Marso 29 hanggang Abril 4.
Paliwanag ng Palasyo, ito ay dahil sa muling pagtaas ng COVID-19 cases sa bansa.
Sa ilalim ng ECQ ay pagbabawalang lumabas ang mga edad 17 pababa, 65 pataas, buntis at iba pang may health risk. Puwede lamang lumabas upang kumuha ng essential goods at services.
Hindi pa rin pinapayagan ang malaking pagtitipon o mass gathering.
Bagama’t mayroong pampublikong trasportasyon, magbabago ang kapasidad ng mga nito.
Kaugnay nito, may ipatutupad na curfew mula alas-6: 00 ng hapon hanggang alas-5: 00 ng umaga. Pero hindi sakop ang APORs, nagtatrabaho, cargo vehicles at pampublikong sasakyan.
Samantala, hindi naman kailangang mag-panic buying dahil mananatiling bukas ang mga supermarket at palengke.
Papayagan din mag-operate ang mga restoran pero bawal muna ang dine-in, tanging takeout at delivery lamang. At hindi rin kailangan ng travel pass.
Habang naghihintay pa ng bakuna at habang hindi pa humuhupa ang panibagong epekto ng pandemya, gawin natin ang ating makakaya para manatiling ligtas ang sarili, ang pamilya at ang kapwa sa banta ng COVID.
‘Wag na dumagdag sa mga kapalpakan, mag-ambag tayo ng may pakinabang, malaking bagay na ang maging responsableng mamamayan.



Comments