top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

ECQ, parang ‘di ramdam sa dami ng pasaway

BULGAR
Aug 20, 2021
1 min read

@Editorial | August 20, 2021



Kumusta ang nagdaang dalawang linggong enhanced community quarantine (ECQ)?

Marami ang nagsasabing parang hindi naman humigpit ang lockdown. Marahil dahil marami pa rin ang mga sasakyan at tao sa lansangan.


Aminado rin naman ang ilang local government units (LGUs) sa Metro Manila na mas maluwag talaga ang pagpapatupad ng ECQ ngayon.


Kahit ECQ kasi ay tuloy pa rin ang malawakang pagbabakuna kontra COVID-19 at distribusyon ng ayuda, kaya talagang marami pa ring tao sa labas. Nagkalat ang mga matitigas ang ulo, kaya pahirapan ang pagpapatupad ng protocols. Ayon sa mga awtoridad, nasa 9,000 ang nasisita sa Metro Manila kada araw — marami pa ring pasaway!


Isa pa sa dahilan ng mas maluwag na ECQ ay ang kalagayan ng kabuhayan. Kung ire-restrict ang mobility ng tao, hindi makakapagtrabaho, marami ang makararanas ng pagkagutom.


Ito ang mahirap sa pagpapatupad ng lockdown, kailangang maging balanse ang ekonomiya at kalusugan. Ang problema, kapansin-pansing patuloy pa rin ang pagtaas ng kaso ng COVID-19. Marami rin ang naoospital at umaaray na naman ang mga health workers.


At sa nakatakdang pagtatapos ng 2 linggong ECQ, kailangan pa ba ng extension o puwede nang mas paluwagin pa ang community quarantine?


Sana, anuman ang maging klasipikasyon, maging bahagi na ng ating pamumuhay ang pag-iingat at pagiging disiplinado.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page