E-bingo shop na nag-operate, ipinasara ni Pasig Mayor Vico Sotto
- BULGAR

- Aug 4, 2020
- 1 min read
ni Lolet Abania | August 4, 2020
Isang electronic bingo (e-bingo) outlet na nag-o-operate sa kabila na nasa ilalim ng general community quarantine (GCQ) ang ipinasara ni Pasig City Mayor Vico Sotto.
Ayon kay Sotto sa kanyang Facebook account, ang naturang e-bingo outlet sa hindi matukoy na lugar sa lungsod ay mayroong mga nakapaskil na safety reminders sa labas nito para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus transmission.
“CLOSED. E-bingo na nagbukas habang GCQ.
Alam naman nilang bawal. Langya may pa safety reminders pa sa entrance,” sabi ni Sotto.







Comments