E-bike, ipinasok sa expressway, sinita... Chinese, tumalon sa CAVITEX viaduct

by Janice Baricuatro @News | November 26, 2026

Photo: File / CAVITEX circulated
Sugatan ang isang Chinese national matapos tumalon mula sa CAVITEX viaduct o mas mataas na bahagi ng expressway sa Bacoor City, Cavite, nang sitahin dahil sa pagpasok ng kanyang e-bike, kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima sa alyas Ching, 36, binata at residente ng Pasay City, na nagtamo ng mga sugat sa mukha at katawan.
Ayon sa pulisya, alas-3 ng hapon nang sitahin siya ng roadway security patrol sa Las Piñas Bridge northbound lane. Sa halip na huminto, pinaharurot umano niya ang e-bike, nag-counterflow patungong Kawit, bago bumaba sa bahagi ng viaduct malapit sa Imus, inabandona ang e-bike at tumalon. Nasaksihan din ng mga nagpapatrulyang tanod ang insidente.
Agad na rumesponde ang mga awtoridad at isinugod ang biktima sa ospital para malapatan ng lunas. Patuloy ang imbestigasyon ng Bacoor police sa insidente.





Comments