Dumikit sa M4 World C'ships, Blacklist sa Upper Bracket Finals
- BULGAR
- Jan 13, 2023
- 1 min read
ni Gerard Arce @Sports | January 13, 2023

Isang panalo na lang ang kinakailangan ng defending champions Blacklist International upang muling makabalik sa Grand Finals ng M4 World Championships (Mobile Legends: Bang Bang) tournament ng talunin ang paboritong RRQ Hoshi sa iskor na 3-2 sa upper bracket ng knockout stage, Miyerkules ng gabi sa Tennis Indoor Senayan sa Indonesia.
Binalewala ng Codebreakers ang maingay at katunggaling manood na buhos ang suporta sa Indonesian team sa dikdikang laban na nauwi sa matinding palitan ng mahusay na pagpapatakbo ng diskarte at husay sa pagmamando ng laro.
Umabante sa upper bracket finals ang MPL Philippines season 10 champions na Blacklist International na naghihintay na lang ng makakalaban sa mananalo sa pagitan ng Onic Esports Indonesia at ECHO Philippines.
Kahit man naunahan sa Game 1 ang Blacklist dahil sa naiibang diskarteng ipinakita ng RRQ sa laro pangunguna ni Rivaldi “R7” Fatah na bumandera ng husto para sibakin ang Codebreakers gamit ang tauhan na si Joy. Gayunpaman, nakabawi ang Blacklist sa Game 2 gamit ang parehong line-up subalit inalis na ang karakter na si Joy sa laro. Nagkapit-bisig na sina Kiel "Oheb" Soriano, Brody, Salic "Hadji" Imam at team captain Johnmar "OhMyV33nus" Villaluna upang maitabla ang laro sa 1-1.

Ginamit naman ni Villaluna ang karakter na si Lolita para bitbitin ang Blacklist, katulong sina Danerie James “Wise” del Rosario at Edward Jay “Edward” Dapadap upang malampasan ang mahigpit na Game 3. Binawi naman ng RRQ ang laro pagdating ng Game 4 upang manatiling buhay ang laro na humaharap sa do-or-die battle.








Comments