top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Dudang naloko ng recruiter, nasa kapalarang maghirap bago makapag-abroad

BULGAR
Apr 7, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad | April 7, 2022



KATANUNGAN

  1. May aplikasyon ako sa abroad, pero hindi pa rin ako tinatawagan nu’ng nag-aayos ng mga papeles ko, gayung malaking halaga na ang naibigay ko sa kanila. Naisipan kong sumangguni sa inyo, Maestro, upang malaman kung naloko na ba ako, kaya dapat ko nang ipa-refund ang naibayad ko sa kanila.

  2. Halos limang buwan na kasi akong naghihintay at nagpa-follow-up ng tawag, pero hanggang ngayon ay wala pa ring nangyayari. Maestro, may Travel Line ba talaga sa palad ko at kung mayroon, kailan ako makakaalis?

KASAGUTAN

  1. May Travel Line (Drawing A. at B. t-t arrow a.) nga sa kaliwa at kanan mong palad. Pero bukod sa pagkakaroon ng “Guhit ng Paglalakbay”, kapansin-pansin din ang Guhit ng Hadlang (d-d arrow b.), na waring kumansenla sa nasabing Travel Line (arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na hindi madaling bagay sa iyo ang agad na makapag-abroad, sa halip, bago ka matuloy, maraming pagsubok o problema ka munang madaraanan. At sa sandaling nalagpasan mo na ang nasabing mga balakid, saka ka tuluyang makapangingibang-bansa.

  2. Ang pag-aanalisang hindi easy to get sa iyong kapalaran ang pag-a-abroad, higit lalo sa unang pagkakataon ay madali namang kinumpirma ng birth date mong 17. Tanda na bago makapag-abroad, maraming hirap at pagsubok muna ang iyong mararanasan, kaya sa unang pagtatangka na makapangibang-bansa, tulad ng naipaliwanag na, malabo kang matuloy agad.

  3. Sa halip, talagang maiinip ka at iisipin mong naloko ka, pero ganu’n talaga ‘yun dahil ang mga bagay na ‘yan ay kailangan mong maranasan bago ka tuluyang magkaroon ng isang maalwan, masagana at maligayang pag-a-abroad.

MGA DAPAT GAWIN

  1. Kaya kung nakapaglagay o nakapagbigay ka na ng malaking halaga sa taong nag-aayos ng mga papeles mo at sabi mo nga ay halos limang buwan na ang nakakaraan pero wala pa ring nangyayari, masasabing puwede kang manghingi ng refund upang kapag ibinalik sa iyo ang nasabing pera, masasabing hindi ka naloko dahil naibalik ang iyong salapi.

  2. Subalit anuman ang maganap, tandaang ayon sa iyong mga datos, Kim, bago ka tuluyang makapangibang-bansa, maloloko ka muna at pagkatapos naman ng nasabing mga pagsubok at paghihirap, sa takdang panahong inilaan ng kapalaran, sa taong 2024, sa buwan ng Oktubre o Nobyembre, may mabunga at mabiyayang pangingibang-bansang itatala sa iyong kapalaran.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page