Dudang lolokohin ng manliligaw, ‘di na dapat sagutin dahil ‘di rin makakatuluyan
- BULGAR

- Aug 1, 2020
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Palad| August 1, 2020

KATANUNGAN
Hiwalay ako sa aking mister dahil hindi kami magkasundo sa maraming bagay at hindi ko alam kung bakit siya nagkaganu’n. Noon, maayos naman ang pagsasama namin at mula nang dumating siya galing abroad, naging magulo na ang pagsasama namin.
May nanliligaw naman sa akin, na tawagin na lang nating Mr. Libra na isinilang noong October 6, 1982. Kaya lang, hindi ko pa siya sinasagot dahil umaasa akong magkakabalikan pa kami ng aking mister. At saka natatakot akong sagutin si Mr. Libra dahil baka lokohin lang niya ako.
Nais kong malaman kung ano ang aming kapalaran base sa guhit ng palad at birthday, magkakabalikan pa ba kami ng asawa kong isinilang noong December 3, 1986? June 29, 1989 ang birthday ko.
KASAGUTAN
Kapansin-pansing hindi kayo compatible ng iyong asawa dahil ang zodiac sign mong Cancer ay hindi naman tugma sa zodiac sign na Sagittarius ng mister mo, gayundin ang birth date mong 29 o 2 (ang 29 ay 2+9=11/ 1+1=2), na hindi suweto sa birth date na 3 ng mister mo. Ngunit hindi naman ibig sabihin nito ay ka-compatible mo na si Mr. Libra na isinilang nuong October 6, 1982.
Sa halip, ang katotohanan ay hindi rin ka-compatible ng zodiac sign mong Cancer ang isang Libra, at ang birth date niyang 6 ay hindi rin ka-compatible ng birth date mong 2. Sa matuling salita, tama ang pakiramdam mo, hindi mo dapat sagutin si Mr. Libra dahil sa bandang huli ay lolokohin ka niya at sa pinaka-grabe ay maghihiwalay lang din kayo.
Ang pag-aanalisang posibleng hindi na rin kayo magkabalikan ng asawa mo, na hindi mo naman ka-compatible sa Astro-Numerology na pag-aanalisa ay madali namang kinumpirma ng biyak na unang Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na magkabalikan man kayo, tiyak ang magaganap, pansamantala lang ‘yun, upang kapag muling nagsama at nag-away, sa paghihiwalay ulit hahantong ang nasabing relasyon.
Buti na lang at may ikalawang mas malinaw at mas magandang Marriage Line (Drawing A. at B.2-M arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Tanda na sa ikalawang pag-aasawa, sa piling ng lalaking Scorpio, Pisces o Capricorn na may birth date na 2, 11, 20, 29, 7, 16 at 25, tiyak ang magaganap – may pangako na ng maligaya at panghabambuhay na pag-aasawa.
DAPAT GAWIN
Habang, ayon sa iyong mga datos, Ivy, tulad ng nasabi na, sa ikalawang pag-aasawa, makakasundo mo na ang lalaking may zodiac sign na Scorpio at tuluyan ka nang makakasumpong ng maligaya at panghabambuhay na pamilya, na nakatakdang mangyari sa 2023 sa edad mong 34 pataas.




Comments