top of page
TEKA NGA - GARY V., 62 NA, WALA PA RING BALAK MAG-RETIRE_IG _garyvalenciano.jpeg

Duda sa compatibility ng bf kahit 7 yrs. nang mag-on

BULGAR
Sep 19, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Kapalaran ayon sa Numero| September 19, 2021


Dear Maestro,


Isinilang ako noong March 23, 1993, habang ang boyfriend ko naman ay isinilang noong July 16, 1992. Sa pagkakaalam ko, hindi ko siya ka-compatible pero bakit nagtagal nang halos pitong taon ang aming relasyon at ngayon ay nagbabalak na kaming magpakasal? Ibig bang sabihin nito ay hindi kami magkakatuluyan o kung sakaling kami ay nagkatuluyan ay magkakahiwalay din ba kami? Paki-paliwanag naman ito para magkaroon na ako ng peace of mind at makapili na rin ng petsa para sa binabalak naming pagpapakasal.


Umaasa,

Lorie Anne ng Galicia, Mendez, Cavite


Dear Lories Anne,


Ang sinasabi mo bang hindi kayo compatible ng boyfriend mo ay dahil ikaw ay under sa zodiac sign na Aries habang siya naman ay Cancer, kung saan ang Aries ay isang fire type sign habang ang Cancer ay isang water type sign?


Kung ang datos nabanggit ang pinagbatayan mo para masabing hindi kayo compatible ng iyong boyfriend ay hindi tama ang iyong pag-aanalisa at malamang, “Bakit?” ang maaari mong maitanong.


Ito ay dahil ang birth date na March 23 ay masasabing under pa rin sa tinatawag na “cusp” o mga birth date na nasa pagitan ng dalawang zodiac sign. Kumbaga sa pagtaya sa sugal na sakla, ito ang tinatawag na “primas” o nasa pagitan ng dalawang baraha ang iyong taya. Kung P10 ang taya mo, lumalabas na P5 sa isang baraha at P5 naman sa kabila.


Ganundin ang ibig sabihin ng “cusp” na birth date. Kung akala mo ay Aries ka, nagkakamali ka dahil ang totoo, ang petsang March 23 ay tatlong araw pa lang na lumilipas mula sa pagiging Pisces ng zodiac sign patungo sa Aries.


Ibig sabihin, hindi maikakaila na bagama’t akala mo ay Aries ang iyong zodiac sign, mala-Pisces ka pa rin at mala-Aries. Pero napakadaling ihaka na mas nananaig pa rin sa pagkatao mo ang pagiging Pisces dahil kusa mong na-magnet at naging magka-compatible naman kayo ng boyfriend mong Cancer sa loob ng ilang taon ninyong relasyon.


Oo, tunay ngang magka-compatible ang Pisces at Cancer dahil kapwa sila nagtataglay ng water element.


Dagdag pa rito, pansinin mo ang birth date ng boyfriend mo na isinilang noong July 16, 1992, kung saan 7 ang birth date niya (dahil ang 16 ay 1+6=7), na siya ring secondary number ng zodiac sign na Pisces dahil bukod sa 7, numero rin ng Pisces at Cancer ang 2.


Samakatuwid, hindi lang kayo sa zodiac sign magkatugma kundi magkatugma rin kayo sa Numerology, kaya humigit-kumulang, wala namang nakikitang problema sa inyong relasyon at pagtuntong ng taong 2023, sigurado na ang magaganap – maikakasal na kayo.

Naging sigurado ang nasabing pagtaya dahil ang taong 2023 ay may sumatotal na 7 (20+23=43/ 4+3=7). At tulad ng nasabi na, ang zodiac sign na Cancer at Pisces ay may kaakibat na numerong 7 at 2. Kaya sa nasabing panahon, sa edad mong 30 at 31 naman ang boyfriend mo, tiyak ang magaganap. Matutuloy ang binabalak ninyong kasal upang matupad ang nakatakdang matagumpay at maligayang pagmamahalan habambuhay.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page